Site icon PULSE PH

4 Patay, 3 Sugatan sa Sunog sa Malabon!

Apat ang nasawi, kabilang ang isang batang siyam na taong gulang at isang PWD, habang tatlo ang sugatan sa sunog na sumiklab sa Barangay Longos, Malabon kahapon ng madaling araw.

Nagsimula ang apoy sa isang bahay sa Tanigue Street bandang 3:45 a.m. at agad itong umabot sa unang alarma. Apat na firetrucks ang rumesponde, ngunit dahil sa makikitid na daan at sagabal na mga kable, nahirapan ang mga bumbero sa pag-apula ng apoy. Naideklarang under control ang sunog bandang 6:52 a.m., ngunit natagpuan ang mga labi ng mga biktima pasado alas-diyes ng umaga, na posibleng na-trap sa likuran ng bahay.

Nasunog ang isang dalawang palapag na bahay na tinitirhan ng anim na pamilya, habang apat pang bahay ang nadamay. Labing-anim na pamilya ang nawalan ng tirahan at pansamantalang sumisilong sa Longos multipurpose hall.

Agad namang nagpaabot ng tulong si Malabon Mayor Jeannie Sandoval, kabilang ang pagkain, hygiene kits, at tent para sa mga biktima. Maglalaan din ng pinansyal na tulong ang lokal na pamahalaan habang patuloy ang imbestigasyon sa sanhi ng sunog at halaga ng pinsala.

Exit mobile version