Site icon PULSE PH

389 Security Personnel Pa Din ang mga Nakabantay kay VP Duterte!

Kahit binawi ang 75 pulis, nananatiling halos 400 ang security personnel ni Vice President Sara Duterte, ayon kay PNP chief Gen. Rommel Marbil noong Lunes.

Sa pagdinig ng Senate committee on public order and dangerous drugs, ipinagtanggol ni Marbil ang pagbawi ng 75 pulis mula sa Vice Presidential Security and Protection Group (VPSPG) bilang bahagi ng “rationalization” program para mapalakas ang police visibility sa bansa.

Pinabulaanan ni Marbil ang akusasyon na inalis niya lahat ng police escorts ni Duterte, sinabing 31 PNP members pa rin ang kasama sa VPSPG, bagong unit na binuo ng Armed Forces of the Philippines para kay Duterte noong 2022.

Dagdag pa niya, may 358 AFP personnel na naka-assign sa VPSPG. Kaya’t may kabuuang 389 ang security detail ni Duterte.

Noong nakaraang linggo, sinabi ng abogado na si Barry Gutierrez na ang naunang VP na si Leni Robredo ay may 83 security personnel lang, mula sa 108 noong 2016.

“Mas marami pa ang security ni Duterte kumpara kay VP Leni,” ayon kay Gutierrez, na naging tagapagsalita ni Robredo.

Sabi pa ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, mas marami pa ang security detail ni Duterte kahit na nabawasan ng PNP kumpara sa kay President Marcos.

Exit mobile version