Hinatulan ng Sandiganbayan si dating Quezon City Mayor Herbert Bautista at ang kanyang dating city administrator na si Aldrin Cuña ng kasong graft dahil sa 2019 procurement ng Online Occupational Permitting Tracking System (OOPTS).
Ayon sa 32-pahinang desisyon ng korte, parehong haharap sina Bautista at Cuña ng anim hanggang 10 taon na pagkakakulong.
Bukod dito, habambuhay na silang disqualified na humawak ng anumang posisyon sa gobyerno bilang resulta ng kanilang pagkakasala.
Gayunpaman, hindi na pinagbabayad ng multa ang dalawa dahil ang halagang P32 milyon mula sa kaban ng bayan ay natanggap na ng pribadong kompanya na hindi kasali sa kaso.