Site icon PULSE PH

3 Chinese Nahuli sa Davao na Nagpapanggap na Pinoy!

Tatlong Chinese nationals ang inaresto ng Bureau of Immigration (BI) sa Davao City matapos umano’y magpanggap bilang mga Pilipino at ilegal na magtrabaho sa bansa.

Kinilala ang mga suspek na sina Xu Yonglian (38), Lin Jinxing (42), at Cai Xiji (44). Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado, matagal nang naninirahan at nagtatrabaho nang walang tamang papeles ang tatlo:

  • Si Xu ay gumagamit pa raw ng pangalang Pilipino para sa negosyo sa Davao kahit may working visa sa Binondo, Manila.
  • Si Lin ay naaktuhang nagtatrabaho kahit tourist visa lang ang hawak.
  • Si Cai naman ay may working visa rin sa Binondo pero nadiskubreng nagtatrabaho sa Davao.

Ang operasyon laban sa mga ilegal na dayuhan ay isinagawa kasama ang Philippine Army, Air Force, at PNP.

Exit mobile version