Nagpasok ng panibagong kasaysayan sa takilya ang The Conjuring: Last Rites matapos magbasag ng tatlong box office records sa Pilipinas sa unang araw ng pagpapalabas.
Ang pelikula, na huling paglabas nina Patrick Wilson at Vera Farmiga bilang Ed at Lorraine Warren, ay nagtala ng pinakamalaking opening day para sa isang horror film sa bansa.
Nabasag din nito ang record para sa biggest opening ng isang pelikulang may R-16 rating, na dating hawak ng Final Destination: Bloodlines na inilabas din ngayong 2025.
Bukod pa rito, nagkaroon ng midnight screenings para sa Last Rites kung saan nagtala ito ng pinakamataas na kita para sa anumang pelikula sa Pilipinas sa midnight slot.
Sa kabila ng tatlong record, pumangalawa lamang ang The Conjuring: Last Rites sa listahan ng highest-grossing opening day para sa lahat ng pelikula ngayong taon, kasunod ng isa pang blockbuster release.Ang pelikula ang nagsisilbing panghuling kabanata ng matagumpay na Conjuring franchise na nagsimula noong 2013.
