Dahil sa sobrang demand, dinagdagan ng 2NE1 ang kanilang reunion concert sa Manila! Matapos ma-sold out ang tickets para sa November 16 show sa Mall of Asia Arena, inanunsyo ng Live Nation Philippines na magkakaroon ng second night kinabukasan, November 17.
Libu-libong fans ang hindi nakaabot sa tickets ng unang gabi, kaya excited sila sa dagdag na show. Pareho lang ang presyo ng tickets, pero may ilang seats na may restricted view. Ang ticket selling para sa second night ay magsisimula sa October 13 via SM Tickets.
Ang iconic K-pop group ay nasa kanilang 15th anniversary tour na tatakbo hanggang 2025!
