Aabot sa 285 katao ang inaresto ng National Capital Region Police Office (NCRPO) dahil sa paglabag sa ipinaiiral na gun ban para sa nalalapit na midterm elections.
Mula Enero 12 hanggang Pebrero 17, nahuli ang mga suspek sa iba’t ibang checkpoints na itinayo sa buong Metro Manila. Sa mga operasyon, nakumpiska ng NCRPO ang 293 na baril.
Ayon sa pahayag ng Metro Manila police, bagama’t tumataas ang aktibidad dulot ng election season, wala namang naitalang election-related incidents sa rehiyon, na nagpapatunay sa bisa ng kanilang mga preventive at security measures.
Sa ilalim ng Omnibus Election Code, ipinagbabawal ang pagdadala ng baril sa labas ng bahay maliban na lang sa mga mataas na opisyal ng gobyerno at mga awtorisadong tao.
Ang gun ban ay magtatagal hanggang Hunyo 11.