Site icon PULSE PH

2,500 Elite fighters, Magbabanggaan sa 2025 Smart/MVPSF Taekwondo Championships!

Mahigit 2,500 top fighters mula sa iba’t ibang panig ng bansa ang magsasagupaan ngayong weekend sa 2025 Smart/MVP Sports Foundation Best of the Best Taekwondo Championships sa San Andres Sports Complex, Maynila.

Suportado ng sports patron na si Manny V. Pangilinan at ng Smart Communications, layon ng event na makita ang susunod na Pinoy na makakakuha ng Olympic gold sa taekwondo.

Ang kompetisyon ay hahatiin sa iba’t ibang kategorya: Kyorugi (sparring) para sa Senior, Junior, Cadet at Grade School divisions, parehong lalaki at babae; at Poomsae (forms) para sa Individual, Team, Pair, at Free Style.

Tanging mga pinakamahuhusay at pinakamalalakas na mandirigma mula sa AFP, PNP, UAAP, NCAA, at elite blackbelt groups gaya ng Taekwondo Blackbelt Brotherhood, Sorority, at Philippine Taekwondo Contingent ang makakalahok sa prestihiyosong torneo.

Exit mobile version