Nahuli ang dalawang Chinese nationals na sangkot sa kidnapping ng dalawang kapwa nila Chinese, isang South Korean, at dalawang Filipino sa Batangas noong nakaraang Biyernes. Ang mga suspek, sina Huang Yuze (27) at Zhao Li Shan (29), ay nahuli sa Bacoor, Cavite, habang nag-o-operate ang mga pulis sa Oplan Sita.
Bukod sa kidnapping, haharap din sila sa mga kaso ng illegal possession ng armas at paglabag sa election gun ban. Kasama rin sa kanilang mga kaso ang paglabag sa Cybercrime Prevention Law at immigration laws.
Ayon sa PNP, nahuli ang mga suspek sa isang checkpoint bandang alas-2 ng madaling araw. Nakipaghabulan pa sila sa mga pulis bago na-corner sa Bacoor Boulevard. Nakuha sa kanila ang isang handgun, mga bala, limang cellphone, at iba pang personal na gamit.
Ayon kay PNP Chief Gen. Rommel Marbil, “Let this be a warning against criminal syndicates. The Philippines will never be a haven for transnational crime.”
Ang mga biktima, na kinidnap sa Nasugbu noong Mayo 2, ay pinalaya matapos bayaran ng kanilang pamilya ang ransom na 200,000 USDT bawat isa.