PULSE PH

2-0 Pacers Laban Cavs : Haliburton Kumasa ng Game-Winner Three!

Isang matinding tres mula kay Tyrese Haliburton sa natitirang 1.1 segundo ang nagdala sa Indiana Pacers sa panalo kontra Cleveland Cavaliers, 120-119, para sa 2-0 series lead sa NBA East semis.

Kahit na bumomba ng 48 si Donovan Mitchell at umabot ng 20 ang lamang ng Cavs, hindi natinag ang Pacers. Sa huling minuto, humabol ang Indiana at sinelyuhan ng ice-cold step-back 3 ni Haliburton ang panalo.

Anim na players ng Pacers ang nagtapos sa double digits. Ayon kay coach Carlisle: “Lumaban kami hanggang dulo—’di bumitaw.”

Exit mobile version