Buong kabuuang 19 tauhan ng Office for Transportation Security (OTS), isang ahensiyang kaugnay ng Kagawaran ng Transportasyon (DOTr), ang sinibak sa kanilang trabaho simula pa noong Hulyo 2022 matapos silang mahuling nagnanakaw mula sa mga pasahero ng eroplano, ayon kay Kalihim ng Transportasyon Jaime Bautista.
“Amin pong inimbestigahan ang 60 na kaso [ng insidente ng pagnanakaw] sa mga paliparan [na may kinalaman sa mga empleyado ng OTS],” ani Bautista noong Martes sa pag-uusap ng Senado hinggil sa hiling na badyet ng DOTr na P214 bilyon para sa taong 2024.
Kabilang sa mga kaso ang insidente noong Setyembre 8 sa Ninoy Aquino International Airport kung saan nahuli sa isang security camera ang isang OTS screener na umano’y nilunok ang $300 na pera na kinuha mula sa isang turistang Intsik.
Ang viral na video ay isa na namang pagkasira sa reputasyon ng pangunahing pandaigdigang paliparan ng bansa, na dati nang tinawag ng isang kumpanyang namamahala ng mga vacation rental bilang isa sa mga pinakamalalang paliparan sa buong mundo.