19 Atletang Pilipino Pasok sa ‘Atletang Ayala’ Program!
Pinili ang 19 top Pinoy athletes para sa Ayala Foundation’s Atletang Ayala program na nagbibigay-suporta sa kanilang sports training at career development. Kasama sa mga bagong miyembro ang mga kinatawan ng bansa sa Tokyo at Paris Olympics at Paralympics, tulad ni Joanie Delgaco, ang kauna-unahang babaeng rower ng Pilipinas sa Olympics, at Allain Ganapin sa taekwondo.
Ayon kay Jaime Alfonso Zobel de Ayala, CEO ng AC Mobility, “Layunin ng Atletang Ayala na magbigay-inspirasyon sa mas maraming Pilipino na tuparin ang kanilang pangarap sa sports.”