Huli ang 11 taxi driver sa NAIA nitong Miyerkules matapos maaktuhang ilegal na kumukuha ng pasahero at lumalabag sa prangkisa.
Ang operasyon ay isinagawa ng PNP-AVSEGROUP at LTO, matapos mag-viral ang isang taxi driver na naningil ng ₱1,200 mula Terminal 2 papuntang Terminal 3—na limang kilometro lang ang layo!
Nahuli ang mga driver sa paglabag sa Administrative Order 2014-01, na may multang ₱5,000 para sa first-time offenders.
Ayon kay Brig. Gen. Jason Capoy ng AVSEGROUP,
“Banta sa patas at ligtas na biyahe ang mga ganitong paglabag, kaya’t puspusan ang koordinasyon namin para protektahan ang mga pasahero.”Kasama sa operasyon ang MIAA, New NAIA Infra Corp., at Office for Transportation Security.
