Inanunsyo ni US President Donald Trump na papatawan ng 100% taripa ang lahat ng pelikulang gawa sa labas ng Amerika. Ayon sa kanya, “mamamatay nang mabilis” ang Hollywood kung patuloy na maaakit ang mga filmmaker sa ibang bansa dahil sa mga insentibo roon.
“Itong panliligaw ng ibang bansa sa mga filmmaker ay banta sa pambansang seguridad,” ani Trump sa Truth Social. “Gusto natin, pelikula na gawang Amerika, muli!”
Inutusan na niya ang Department of Commerce para simulan ang proseso ng pagpataw ng taripa, kahit wala pang malinaw kung pati streaming platforms ay kasali, o kung paano ito susukatin.
Sa ngayon, tahimik pa ang mga studio heads at ang Motion Picture Association. Pero isa lang ang malinaw: ayaw na ni Trump ng foreign films sa U.S. box office.