Site icon PULSE PH

₱1 Fare Hike, Posibleng Ipatupad na Next Week!

Posibleng tumaas ng ₱1 ang minimum na pamasahe sa jeep sa susunod na linggo dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis, ayon sa LTFRB.

Ayon kay LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III, flat rate lang ang itataas—walang dagdag kada kilometro. “Masyado nang mabigat para sa mga pasahero kung tataas pa,” aniya.

Ang dagdag-pasahe ay maaring ma-trigger kapag lumampas na sa $80 kada barrel ang presyo ng Dubai crude sa world market. Ilang transport groups gaya ng Pasang Masda, Altodap, at ACTO ang matagal nang humihirit ng dagdag dahil sa taas ng operational costs.

Sabi ni Altodap President Melencio Vargas, malaking ginhawa ito para sa mga tsuper. “Kung bumaba naman agad ang presyo ng langis, puwede rin nating ibaba ulit ang pamasahe,” dagdag niya.

Habang may review pa sa fare hike ng provincial buses, planong gawin ito nang paunti-unti depende sa layo ng biyahe. Samantala, umatras na sa hirit ng taas-pasahe ang mga bus operators sa Metro Manila dahil sa mababang ridership dulot ng kumpetisyon mula sa tren, modern jeepneys, at ride-hailing apps.

Ang pinakahuling oil price hike ngayong linggo ang pinakamataas ngayong taon. Ayon sa DOE, ang gulo sa pagitan ng Israel at Iran, at ang takot sa supply disruptions ang nagpapataas ng presyo simula pa June 13.

Bilang tugon, maglalabas ang gobyerno ng ₱2.5-bilyong fuel subsidy para sa mga jeep, bus, taxi, ride-hailing at delivery vehicles.

Exit mobile version